News

Lucena South 1 Elementary School, nagsagawa ng PB3 Contest

Kamakailan ay matagumpay na isinagawa ng mga mag-aaral at guro mula kinder hanggang ika-anim na baitang sa Lucena South 1 Elementary School ang PB3 Contest o Proyektong Bote ng Bata sa gulayan ay Biyaya.

Ang PB3 contest ay isang paligsahang naglalayong makalikom ng salapi mula sa patapong bagay kagaya ng bote, papel, karton at ilang sirang kagamitan sa paaralan at komunidad upang matugunan ang kakulangan sa kagamitan sa paghahalaman ng Gulayan sa nasabing paaralan.

Pinangunahan ang proyektong ito ng Gulayan sa Paaralan Coordinator, Gng. Maryjane M. Inoc, kasama ang WinS Coordinator, Gng. Narica E. Curia, SPG Officers at sa patnubay ng punong guro ng paaralan, Gng.Marilyn A. Merto.

Idineklarang may pinakamaraming nabentang kalakal ang ikalimang baitang na nakalikom ng halagang Php 1,154.

Sa kabuuan, ang PB3 contest ay nakalikom ng salaping nagkakahalaga ng Php3,500.

Lubos naman ang pasasalamat ng Lucena South 1 Elementary School sa mga magulang at mag-aaral na sumuporta sa nasabing proyekto.

Pin It on Pinterest