Lumang jeepney sa Lucena City, Ginawang Tindahan
Hindi pangkaraniwang tindahan na inuupahan ng mag inang sina Dimple at Vivian Ojano ang tindahan kasi ay isang lumang jeepney.
Ang ilang dumadaan, hindi maiwasang dito ay mapatingin.
Kwento ng mag ina ayon umano sa may ari, ang lumang jeepney na ito, imbis na itambak o i-phase out, ginawang customized rolling store upang mapakinabangan pa sa hanapbuhay.
Nang makita raw nila sa social media post na ito ay pinauupahan, kaagad raw nila itong pinuntuhan.
‘’Noong makita ko ito saka ako nagdali-dali, bali dalawa kaming kausap noon e buti hindi nagconfirm yung isang kausap ako ang nag confirm,’’ pahayag ni Vivian Ojano.
Ang naturang rolling store ay itsurang iconic jeepney parin pero disenyong tindahan.
Nakapwesto ito ngayon sa Bypass road sa Barangay Cotta sa Lucena City, laman ang ibat’ibang produkto gaya ng pagkain at iba pa.
Ang jeepney rolling store na ito ay kaya pang umandar saan man nila naisin.
‘’Kung saan may magandang bentahan atleast kahit paano makakaikot kami dala ito.”
Ilang araw palang nagsisimulang magtinda ang mag ina gamit ang lumang jeepney, pero ok naman daw ang kanilang benta na balak pang magdadag ng mga tinda
‘’Mga tapsilog, mga siomai with rice, mga ganoon po para po sa gabi,” sabi ni Dimple Ojano.
Ang mga dumadaan sa lugar ang kanilang parokyano.
“Yung mga tricycle driver, mga galing doon sa bayan, galing sa may Dalahican yung mga na stop over,”pahayag ni Vivian Ojano.