Magnak Hanging Bridge sa Bayan ng General Nakar pormal ng binuksan
Pormal nang binuksan sa publiko ang Magnak Hanging Bridge sa Brgy. Canaway, General Nakar, Quezon, ito ay matapos ang isinagawang rehabilitation/improvement ng nasabing tulay dahil sa pinsalang dulot ng mga nagdaang bagyo.
Ang naturang tulay ay sinasabing mas magpapabilis ang pag-ugnay sa kalakhang komunidad. Malaking bagay ito lalo na sa mga estudyante, mga nakatatanda, at mga buntis dahil magkakaroon na sila ng komportable, ligtas at mas mabilis na access sa mga ekonomiya sa lugar.
Ang pagpapasinaya nito ay pinangunahan ni Mayor Ezee Ruzol, saksi ang ang iba’t ibang opisyal ng kanilang pamahalaan.
Nangyari ang inagurasyon at turnover noong Setyembre 27, 2023. Labis umano ang pagpapasalamat ng ng mga residente ng Brgy. Canaway dahil sa tulong ng proyektong ito.
Inaasahang mapapalakas din ng naturang tulay ang lokal na ekonomiya sa lugar.
Prayoridad umano ng lokal na pamahalaan ng General Nakar sa pamumuno ni Mayor Ezee Ruzol na makapaghatid ng mga proyekto, programa at serbisyong para sa higit na kaunlaran at kaayusan ng kanilang bayan.