News

Magsasaka sa Lopez, tumanggap ng pataba mula sa DA

Aabot sa 976 ang kabuuang bilang ng mga magsasaka sa bayan ng Lopez, Quezon na tumanggap ng libreng abono mula sa Department of Agriculture o DA nitong Linggo ng umaga, February 26.

Ang mga benepisyaryo ay miyembro ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture kung saan bawat isa sa mga ito ay naka tanggap ng tig-iisang sako ng pataba.

Nasa humigit kumulang 600 ektaryang rice field ng naturang bayan ang makikinabang sa programang ito.

Samantala, ang naturang programa ay sa ilalim ng national rice program ng DA.

Layunin nitong mapataas ang prime commodity production ng bigas sa Pilipinas.

Pin It on Pinterest