Mahigit 400 benepisyaryo ng Mulanay, tumanggap ng ayuda sa ilalim ng programa ng DSWD
Aabot sa 470 indibidwal ang naging benepisyaryo ng cash for work mula sa bayan ng Mulanay, Quezon makaraang tanggapin nila ang pay-outs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ginanap sa Municipal Covered Court, Egualidad St. Brgy. Poblacion 1 ng bayang ito nitong Huwebes, September 28.
Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng halagang P4,000.00 sa ilalim ng Risk Resiliency Program Climate Change Adaptation and Mitigation Disaster Risk Reduction Program ng DSWD na kung saan sila ay nagtrabaho sa loob ng sampung araw kagaya ng pag-gawa ng backyard composting, vermi composting at plastic waste up-cycling.
Ang nasabing programa ay naglalayong¬ makapagbigay ng sampung araw na pan¬samantalang trabaho sa mga mamamayang kapos at walang mapagkukuhanan ng kabuhayan.
Naisakatuparan ang programang ito sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office katuwang ang Social Waste Management Office ng Bayan ng Mulanay. Lubos ang pasasalamat ni Mayor Kuya Aris Aguirre, Vice Mayor Jay Esplana Castilleja at ng Sangguniang Bayan sa tanggapan ng DSWD sa pagkakaloob ng ganitong programa sa Bayan ng Mulanay.