News

Mahigit 450 undernourished na bata sa Tayabas City, tumanggap ng nutritious food packs

Umabot sa 450 “undernourished” na bata kasama ang kanilang mga magulang ang nagtipon sa Bayanihan Isolation Facility sa Barangay Mateuna sa Lungsod ng Tayabas para tumanggap ng nutritious food packs nitong Miyerkules, August 30.

Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pamamahagi ng “nutritious foods on a pink bag” na naglalaman ng oats, orange, munggo, apple, 1 tray ng egg at iodized salt na tutugon sa malnutrisyon ng mga batang “undernourished” sa naturang lungsod.

Ang Dietary Supplementation Program (DSP) for Undernourished Children ay magkatuwang na isinusulong ng City Nutrition Council at ng City Gender and Development Council na parehong pinamumunuan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kaagapay sina CNAO Marinel Zaporteza-Chong, CGAD TWG Head Maide Jader at CHO Hernando Marquez, M.D.

Kasama ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at nagpahayag ng buong suporta sa programa kontra-malnutrisyon sina Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida, Konsehal Elsa Rubio, Luz Cuadra, Dino Romero, ABC Pres. Rommel Barrot at SKF Pres. Tristian Pontioso.

Pin It on Pinterest