Mahigit dalawampung karatula ng pagbabawal sa pagbili at pagbebenta ng lupa ng mga Katutubo, ilalagay sa bayan ng General Nakar
Ipinagbabawal sa bayang ng General Nakar ang pagbili at pagbebenta ng lupa sa loob ng Lupaing Ninuno ng mga katutubong Dumagat Remontado.
Sa kasalukuyan, ang dumagat ay nahahati sa dalawang pangkat, isa ang remontado o mestiso at ang isa ay ang puro o Agta.
Ang Agtang Dumagat ay nasa kabundukan ng Sierra Madre at ang Remontado ay nakatira sa mga mataong bayan sa Rizal at Quezon tulad ng General Nakar at Infanta, Quezon.
Kaya naman nagsagawa ang mga kawani ng Quezon Provincial Office ng pag titiyak at pagsisiyasat ng mga materyales na gagamitin sa mga gagawing permanenteng karatulang ilalagay sa nasabing lugar.
Nakasaad sa mga karatulang ilalagay ang katagang “Bawal ipagbilli at bumili ng lupa sa loob ng Lupaing Ninuno ng mga Katutubong Dumagat Remontado”.
Nakatakdang naman simulan ang paggawa ng mga karatula ngayong araw, January 11, 2023 at inaasahan na matatapos sa loob ng pitong (7) araw na may kabuuang bilang na dalawamput-apat (24) na karatula.