Mahigit kalahati ng populasyon sa bayan ng Guinayangan, Quezon rehistrado na sa National ID ng pamahalaan
Mahigit kalahati na ang nagpaparehistro para sa National ID ng PhilSys at Philippine Statistics Authority sa bayan ng Guinayan sa Lalawigan ng Quezon. Ayon sa PIO Guinyangan, sa kanilang populasyon na mahigit 44 thousand ay 28 thousand na dito ang nagparehistro na sa PhilSys para sa kanilang National ID. Ngayon ay nananawagan muli ang lokal na pamahalaan upang magparehistro ang kanilang mga kababayan para sa National ID. Magtatagal hanggang September 30 na lamang ngayong taon ang mga kawani ng pamahalaan na nagrerehistro para dito na nasa Luisito P. Go Memorial Covered Court ng Guinayangan. Mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon ang pagtanggap ng mga kliyente para sa PhilSys. Kailangan lamang na magdala ang mga nais magpa-ID ng kanilang birth certificate, valid ID at sertipikasyon ng kapitan ng barangay kung saan sila naninirahan na pinapatunayan ang kanilang pangalan at kanilang kapanganakan.
Ang National ID ay magagamit sa mga transaksyon sa pamahalaan. Maliban sa tatanggapin ito bilang pangunahing patunay ng katauhan ng isang residente ay mapapadali nito ang pagbibigay ng ayuda o anumang benepisyo mula sa pamahalaan. Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan na rin na maipakita sa National ID kung vaccinated ang isang idibidwal laban sa COVID-19.