Makilala sa bansa, isa sa layon ng pagsali ng Quezon Province sa MPBL
Ang paglahok ng Quezon Province sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)ay hindi lang daw isang pakikipagkompitensya sa larangan ng basketball, sinabi Quezon Governor Helen Tan na ito ay bahagi ng promosyon ng turismo ng Lalawigan ng Quezon at ipikilala ang Quezon at tumatak sa bansa sa iba’t ibang aspeto.
“Ito ay isang opportunity for us na ipakilala ang Quezon Province in many aspects no sa sport sa torism at magagandang program na ginagawa natin dito sa Quezon Province.”
Pinangunahan ni Gov. Tan ang ginanap na Press Conference upang ipakilala sa Quezon ang mga bumubuo ng Quezon Huskers ang koponan ng Lalawigan na lalahok sa 5TH Sesaon ng MPBL.
Sampu sa mga manlalaro ng Quezon Huskers ay Home-Grown player ng Quezon Province.
Kabilang si Topeng Lagrama mula Lucena Ciy, kabilang din sa Koponan si Lucena City Mayor Mark Alcala.
Halos lahat ng player na bumubo ng sa Quezon Huskers ay mga dating varsity ng mga kilalang collegiate basketball league sa bansa.
Sa March 11, 2023 Sa Quezon Convention Center sa Lucena City gaganapin ang opening ng 5th Season ng MPBL kung saan matutunghayan ang unang laro ng Quezon Huskers inaanyayahan ng Gobernadora na suportan ang Quezon Huskers sa MPBL.
Ang pagbuo at pagsali ng Quezon Province sa ikalawa sa pinakamalaking liga ng banasa ay inisyatibo ni 4rth District Mike Tan at San Andres Mayor Ralp Lim.