Malasakit para sa Pamana ng Oplan Sagip Tulay nakiisa ang mga Tayabasin
Nagsagawa ng clean up drive ang mga residente ng Lungsod ng Tayabas at ng grupong Oplan Sagip Tulay katuwang ang iba’t ibang samahan at lokal na pamahalaan upang mapangalagaan ang mga spanish era bridges sa nasasakupan ng Tayabas City. May temang “Malasakit para sa Pamana” maagang nagsimula ang mga nakiisa para maglinis sa paligid ng Puente de Malagonlong, isa sa pinaka-kilalang lumang tulay sa Lungsod na nasa Brgy. Mateuna. Katuwang ng Oplan Sagip Tulay ang Tayabas City PNP, Eco-Aide, BHW, iba’t ibang NGOs at civic groups at maging ang mga surrenderees ng Tayabas City sa mga nakaraang oplan tokhang.
Hanggang sa ngayon ay patuloy ang ginagawang aksyon ng mga Tayabasin sa Oplan Sagip Tuloy upang maisalba ang mga makasaysayang tulay na noong panahon ng kastila pa ginawa. Tinatayang nasa mahigit sampung tulay ang kailangang pangalagaan at i-preserve upang maabutan pa ng mga kasunod na henerasyon at pagkunan ng aral at inspirasyon sa buong Quezon.