Malawakang pagtutuli sa Lucena City, iminungkahi ni Coun. Edwin Pureza
Iminungkahi ni Lucena City Coun. Doctor Edwin Pureza sa Committee on Health ng Sangguninang Panlungsod ng Lucena na magkaroon ng ligtas at malawakang pagpapatuli sa buong siyudad.
Sa kanyang privilege speech sa regular na sesyon, Lunes ng umaga, Oktubre 10, 2022 laman ang kahalagahan ng Circumcision o pagtutuli sa isang lalaki, bukod raw kasi sa bahagi na ito ng kulturang Pilipino na hudyat ng pagiging ganap na binata matapos ang pagtutuli, napapababa rin daw nito ang tsanya na pagkakaroon ng cancer sa mga kalalakihan at pagkakaroon ng Sexual Transmited Diseases (STD) , HIV at iba pa.
‘’Ang pagtutuli ay hindi lamang sa usaping kultura. Bagkus, isinasagawa rin ito para sa hygiene. Dagdag pa rito, sa pamamagitan nang pagpapatuli, napapababa ang tsansya ng pagkakaroon ng cancer ng mga kalalakihan, at napapababa rin nito ang risk ng pagkakaroon ng STD, HIV at maging ng iba pang infection o sakit na maaring makahawa,’’ Ang sabi ni Coun. Edwin Pureza
Kung mapapagbigyan daw ang mungkahing ito ng konsehal na isang doktor, bukas daw siya sa pakikipagtulungan sa pagbuo ng mga naangkop na hakbang patungkol dito. Layon din daw nito na maiiwas ang mga kabataan sa lumang tradisyon ng pagtutuli .
‘’But while circumcision has its perks, it has its own perils, too — when not properly administered. With this, as your fellow public servant and as doctor, I would like to move for a progam institutionalizing a safe circumcision. It will address the issues concerning the traditional way ng pag pagpapatuli, among others,” dadag pa ng Kosehal
Ang ilang kasamahan sa konseho nagpaabot ng suporta basta’t ito ay nasa tamang proseso at ligtas, dapat na tiyakin din daw na ang magtutuli ay may kasanayan at awtorisado upang maiwasan ang ano mang kapahamakan.
Sa tanong na kung anong edad ba dapat kailangang tulian ang isang lalaki? Sagot ni Pureza walo hangang labing tatlong taong gulang.
Kung matatandaan, isang batang lucenahin ang namatay matapos na sumailalim ito sa libreng tuli.