News

Malnourished children sa Barangay 8 sa Lucena City, maayos na ang kalusugan

Labing-walong malnourished children sa Barangay 8 sa Lucena City ang nasa maayos na ang kalusugan o tama na ang timbang sa kanilang mga edad matapos ang ginawang feeding program ng barangay.

“Lahat sila ay tumaas naman ang mga timbang. Naging ok naman, ‘yung ibang mahihinang kumain ay malalakas ng kumain lalo na sa mga gulay,” sabi ni Brgy. Kagawad Mizzy Baretto.

Ayon kay Barangay Kagawad Mizzy Baretto, ang Committee Chaiperson on Health ng sanggunian ng nasabing lugar, nagkaroon sila ng 14 na raw na libreng pagpapakain ng masusustansya sa mga batang malnourished sa kanilang komunidad. Ito ay sa ilalalim ng Movement Against Malnutrition o MAMA Program ng City Health Office, isang programa ng lokal na pamahalaan upang labanan sa lungsod ang Malnutrition.

Sa 18 benepisyaryo ng programa sa naturang barangay, lahat ng mga ito ay nagtapos sa MAMA program dahilan para bigyang-pagkilala ng lokal na pamahalaan ang Barangay 8 na isa sa mga barangay sa lungsod na naging masuhay sa kanilang paggampan upang tugunan ang programa ng LGU na labanan ang malnutrisyon.

Kamakailan, tumanggap sila ng Golden Spoon Award, kabilang sila sa Top 6 sa labing-limang barangay sa siyudad na kinilala ng City Health Office.

“Ginampanan mo ‘yung tungkulin mo para sa feeding program nila, yoon naman talaga ginampanan naman talaga namin para talaga ipakita namin na sumusuporta kami,” saad ni Baretto.

Sa ngayon raw ay wala ng tala ng malnourished children sa kanilang komunidad. Ang mga grumadweyt sa MAMA proram sa kanilang lugar ay patuloy parin daw na minomonitor.

Ang mga ito ay kabilang sa higit 900 na mga bata mula sa 33 barangay sa Lucena City na nagtapos na sa programang ito o nasa tamang timbang na batay sa kanilang mga edad.

Pin It on Pinterest