National News

Marijuana oil, inihahalo na umano sa juice ng vape; PDEA, nagbabala sa publiko;

Kumakalat na umano ngayon ang electronic cigarettes na naglalaman ng marijuana oil.

Natuklasan ito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos makakumpiska ng mga e-cigaratte at vapes na may lamang marijuana oil sa Taguig City noong Marso 14.

Noong nakaraang linggo, may naharang na rin ang ahensya katuwang ang Bureau of Customs sa Port of Manila ng 18 kahon na naglalaman cannabis oil at marijuana kush na itinago sa vaping products.

Nagkakahalaga umano ito ng P337 milyon.

Nagbabala ang PDEA na iligal ito at nagdudulot ng pangamba sa kalusugan. Dinodoble na nila ngayon ang pagbabantay at pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya para makumpiska at makasuhan ang mga nasa likod nito.

Samantala, patuloy naman ang panukala na ipagbawal na ang paggamit ng vape sa bansa.

Pin It on Pinterest