Mass wedding para sa mga magsing-irog sa bayan ng Sto. Tomas
Nagsagawa ng kasalang bayan o Mass Wedding ang bayan ng Sto. Tomas sa Lalawigan ng Batangas. Mahigit walumpong magkakapareha ang ikinasal sa bayan sa ilalim ng programa ng lokal na pamahalaan. Nagbigay naman ng mesahe si Sto. Tomas Mayor Edna Sanchez sa mga magsing-irog. Ayon sa alkalde, dapat ay palakihin ng mga magulang ang kanilang mga anak ng may takot sa Diyos at may respeto sa kapwa. Binanggit din ni Sanchez na kung gustong magparami ng anak ng isang mag-asawa ay wala siyang nakikitang problema basta’t kayang suportahan ng kanilang mga magulang.
Matatandaang sa mga nakalipas na Bandilyo ay naipakitang nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang mga ikinasal. Sumailalim sa iba’t ibang seminar tungkol sa Family Planning, at iba pang makakatulong sa buhay mag-asawa. Nagsagawa rin ng isang tree planting activity ang mga magkakasintahan bago ikasal ang mga ito upang mas mapatibay ang kanilang commitment sa isa’t isa.