News

Mayor Dondon Alcala, Hindi Papayagang Maging ‘Rubber Stamp’ lang ang Sangguniang Panlungsod

Hindi magiging rubber stamp ang Sangguniang Panlungsod ng Lucena, ito ang naging pahayag ni Lucena City Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa kanyang planong muling maglingkod bilang Vice Mayor ng lungsod.

Ayon kay Mayor Alcala, katulad ng ginawa niya noong siya pa ang Vice Mayor ng Lucena ay magkakaroon ng sariling pagpapasya ang konseho.

“Kagaya ng ginagawa ko bilang pangalawang ama ng lungsod, hindi maaari na kahit na ang mayor ay si Kuya Mark ay magiging rubber stamp ang Sangguniang Panlungsod.”

Ayon pa kay Mayor Alcala, kinakailangan na magkaroon ng paggalang sa bawat konsehal sa sanggunian tulad na lang sa legislative agenda na inihahain ng mga ito sa Sanggunian. Kaugnay nito, patuloy daw na gagawin ni Mayor Alcala ang pagkuha ng legilative agenda sa mga city councilors ng Lucena upang bumuo ng isang legislative agenda na pangkalahatan ng Sangguniang Panglungsod na ihaharap naman sa mga mamamayan ng Lungsod ng Lucena.

Base sa batas, isa sa tungkulin ng bise alkade ay magsilbing Presiding Officer o pangunahing opisyal ng Sangguniang Panlungsod o bayan.

Pin It on Pinterest