News

Mayorya ng mga Lucenahin, kuntento sa COVID-19 response ng Marcos admin

Aprubado ng mayorya ng mga Filipino ang pagtugon ng Marcos administration upang mapigilan ang pagkalat ang COVID-19 sa bansa, batay na rin sa pagtatanong ng Bandilyo News Team.

Isa na rito si Nanay Rosario na isang Lucenahin na ayon sa kanya natugunan daw ng naturang administrasyon ang paglaban sa hawahan ng nakakahawang sakit.

“Okay naman po ah, kasi naprotektahan lahat ng mga tao ‘yung iba na kumbaga’y protektado sila ‘yung iba’y hindi nagkakaroon ng COVID at umunti na yata at the same time ay lumuwag ‘yung paggalaw ng mga tao dito sa atin dito sa Lungsod ng Lucena,” sabi ni Nanay Rosario.

Ayon pa sa ilang Lucenahin, bukod daw sa nakontrol ang pagkalat ng naturang sakit ay marami na sa ngayon ang nakakapaghanapbuhay dahil sa pagluwag ng COVID-19 restrictions.

“Opo kasi kahit papaano po ay naano po yung sakit na yon kumbaga eh nakontrol kahit papaano, nagluwag po siya at tsaka kahit papaano po nakakapaghanapbuhay na po ‘yung mga katulad ko,” pahayag ni Jocelyn.

“Okay naman sir, wala naman akong masasabi kasi lumalaban ang ating Presidente para mawala ang sakit dito sa atin dito sa buong kaLungsudan at nakakapaghanapbuhay ng marangal sir gayundin ay wala nang face mask sir,” saad ni Gaudencio.

Batay sa resulta ng Tugon ng Masa o TNM fourth quarter 2022 survey, 92 percent ng mga Filipino ang nagsabing aprub sa kanila ang pagtugon ng national government upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Ang naturang approval rating ay mas mataas ng 10 percent kumpara sa huling TNM survey na isinagawa noong March 2022.

Isinagawa ang survey noong October 23 to 27, 2022, sa 1,200 respondents sa National Capital Region, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Pin It on Pinterest