Mayorya sa mga Pilipino takot mahawa ang pamilya ng COVID-19
Labis daw ang gingawang pag-iingat ni Aling Leonora sa banta ng hawahan ng sakit, mahirap daw kasing tamaan ng COVID-19 at baka madapay pa ang buong pamilya.
‘’Kapag nahawa ang sarili mo mahahawa mo rin ang kasama mo sa bahay. Iiwas ka sa maraming tao,” ayon kay Aling Leonora
Para naman kay Resalie na isang single parent, sa panahon ngayon ay mas nangangamba din siya na mahawa ng sakit ang kanyang pamilya.
‘’Sobrang hirap po lalo na pagwalang pera katulad ko solo parent mas mahirap para sa akin ‘yun”
Batay sa Social Weather Station (SWS) survey, mayorya ng mga Pilipino ang nangangamba na mahawaan ng COVID-19 ang kanilang pamilya. Ginawa ng survey noong September 12 hangang 16. 91% ng Pinoy ang nagsabing labis silang nangangamba na mahawaan ang kanilang pamilya ng virus.
Batay sa survey mas mataas ito ng apat na porsyento mula sa naitalang 87% noong Hunyo 2021. Pinakamaraming nangangamba na magkasakit ng COVID-19 ay mula sa Visayas sumunod sa Mindanao. Metro Manila at Balance Luzon.