News

Medical Mission at iba pang programa ng Quezon Government, ibinababa sa malalayong komunidad

Matagumpay ang isinagawang medical mission ng Pamahalaang Palalawigan ng Quezon sa Polillo Group of Islands kung saan higit 7 libong residente ang nabigyan ng libreng serbisyong medical buhat sa mga isla ng Panukulan, Polillo, Burdeos, Patnanungan at Jomalig na personal na tinungo nina Gov. Doctora Helen Tan at Vice Governor Anacleto Alcala III.

Ang pagbibigay ng atensyong medical sa mga mahihirap na kababayan ay hindi pa natatapos bagkus ay simula pa lang sinabi ni Alcala kaagad daw itong masusundan at ilalapit sa iba pang distrito na kung saan ang prayoridad ay iyong mga malalayong komunidad na bihirang marating ng mga espesyalista o mangagamot.

‘’Siguro after holly weeks sa third distict naman po, ang prayoridad po natin yung sadyang pinakamalalayong barangay yung pinakamalalayong lugar sa ating lalawigan na sadyang very challenging yung pagpapacheck up.”

Libreng konsulta sa mga doktor at espesyalista, gayundin ang pagbibigay ng libreng tuli, bunot ng ngipin at laboratory examination ang ilan lamang sa nakapaloob sa full medical mission ng ibinababa ngayon ng Quezon Provincial Government.

Bukod dito nagsasagawa rin ang pamahalaang panlalawigan ng consultative meeting sa mga mangingisda gaya halimba sa mga bayan ng Polillo Group Island kasabay ang pagbibigay ng mga tulong sa ito.

‘’Nag introduce tayo sa kanila sa panahon ng hindi makalaot yung pagsasaka naman tinuturuan po na magtanim ng naayon o ano ba crop na pwedeng tumubo dito.”

Kasama dito ang provincial agriculturist ng Pamahalaang Panlalawigan.

Kasabay ng mga prograng ito na ibinababa ng Provincial Government sa mga malalayong bayan ay ang paghahatid nila ni Governor Tan ng kakapasa lamang sa ordinansa sa probinsya ng one family one scholar program.

‘’Isa po yan pet project ni Governod Helen Tan.”

Pin It on Pinterest