Mga Barangay sa Lungsod ng Lucena Katuwang ng Lucena City DRRMO
Kasama ang mga barangay sa mga ginagawang pagsisikap ng Lucena City DRRMO.
Ito ang naging pahayag ni Janet Gendrano, Head ng Lucena City DRRMO sa programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’ sa bandilyo.ph.
Ayon kay Gendrano, ang mga barangay ay nabibilang sa tinatawag na Emergency Operation Center dahil karamihan ng mga resources ay nasa kanila.
Aniya, mas mabilis maipapadala ng barangay ang mga resources dahil daw alam nila ang ginagampanan at responsibilidad bilang miyembro ng Barangay DRRM Committee.
“Yun naman pong magiging bahagi ng local government po ng barangay especially sila po ang naandoon sa ating tinatawag na Emergency Operation Center dahil nasa kanila po ang karamihan po ng resources so mabilis po ‘yung mobilization natin and dispatch ng resources dahil po alam ng barangay ang kanilang pong mga parte ang kanilang pong mga roles and responsibilities as a member po ng Barangay DRRM Committee,” sabi ni Gendrano.
Dagdag pa ng Head ng Lucena City DRRMO na mula sa pondo ay alam ng barangay kung saan dapat ito ilalaan.
“Nilalatag po nila ‘yung funding nila na dapat dito ang prioritization natin, equipment kung equipment, stock piles kung stock piles so titignan po kasi nila kaya ang sabi kanina nasaan ‘yung challenges ‘yun ang i-address,” saad ni Gendrano.
Sinabi naman ni Gendrano na nais nilang iparating sa mga mamamayan na hindi lang ito responsibilidad ng barangay.
Aniya, ito’y responsibilidad din ng bawat isa katuwang ang barangay at ang lokal na pamahalaan. “Yung ating komunidad ‘yung miyembro po ng barangay mga naninirahan dun unti-unti pong nagbubukas ang kanilang kaisipan na hindi lang pala ito responsibilidad ng barangay, responsibilidad din namin katuwang po namin ang barangay at ang lokal na pamahalaan,” sabi ni Gendrano.