News

Mga bayan at lungsod nagkasundo na sa boundaries ng karagatang kanilang nasasakupan

Nagkasundo na ang tatlong bayan at isang lungsod upang ayusin ang ‘municipal boundaries’ ng kani-kanilang ‘municipal waters’ matapos na lumagda sa isang ‘joint signing’ mga lider ng mga bayan ay lungsod. Pinangunahan nina Lucena City Mayor Dondon Alcala, Sariaya Mayor Marcelo Gayeta, Padre Burgos Mayor Roger Panganiban at Pagbilao Vice Mayor Joseph Garcia ang paglagda sa kasunduan na tumutukoy sa nasasakop na ‘municipal waters’ ng bawa’t bayan at lungsod.

Matapos ang paglagda ay inaasahang malulutas na ang usapin sa boundaries ng municipal waters at teritoryo ng Lucena, Sariaya, Pagbilao at Padre Burgos na pare-parehong nasa Lalawigan ng Quezon.

Kasama rin sa ‘joint signing’ ang mga miyembro ng kani-kanilang Sangguniang Bayan at Lungsod. Matatandaan na kamakailan ay ginawa ang ‘joint session’ ng mga bayan ng Sariaya, Padre Burgos at Pagbilao at ng Lungsod ng Lucena upang talakayin ang isyu sa municipal boundaries ng mga lokal na pamahalaan.

Pin It on Pinterest