News

Mga biyahero para sa paggunita ng Undas, Stranded sa Port of Lucena

Stranded ngayon sa Port of Lucena ang mga pasaherong bibyahe sana patungong Romblon, Masbate at Marinduque para sa pagunita ng Undas matapos kanselahin ang mga biyahe ng barako bunsod ng Bagyong Paeng.

Ayon sa Philippine Coast Guard Southern Quezon sa tala ng Philippine Port Authority (PPA) Lucena City, sa loob ng pantalan 90 na pasahero ang nakatengga ngayon simula pa kagabi 52 rolling cargo din ang stranded bukod pa dito ang mga pasahero at mga cargo truck sa labas ng Port.

Ayon kay Southern Quezon Coast Guard Commander Janus Sabas gabi palang ng Oktubre 27 ng magsimula sila sa naturang pantalan na magpakansela ng biyahe barko bunsod ng sama ng panahong dala ni Bagyong Paeng.

‘’Nagsimula po ang ating cancellation ng kagabi po pero ang mga barkong biyaheng Masbate maagang nagkansela mga alas 7:00 palang ay nagkasela na dahil nagkaroon na kaagad ng signal no. 1 mga biyahe po natin dito Masbate, Romblon at Marinduque noong nagkaroon po tayo ng signal no. sa Quezon agad po nating kinansela ang biyahe kasi ganoon po talaga dahil kung port of origin at port of distination po kung mayroon signal number ng bagyo ay kailangan magkansela ng biyahe para po sa kaligtasan ng ating mananakay,” ayon kay Coast Guard Commander Janus Sabas Southern Quezon.

Sa mga nais na bumiyahe patungong Masbate, Romblon at Marinduque na magmumula pa sa malalayong lugar halimbawa sa metro Manila payo ng Coast Guard na magpalipas muna ng sama ng panahon, upang hindi maantala at ma-stranded.

‘’Gusto ko sanang makiusap sa ating mga kasama na gustong tumawid na maipagpaliban muna ang kanilang biyahe dahil wala po silang sasakyan at maiistranded lamang sila,’’ sabi ni Coast Guard Commander Janus Sabas Southern Quezon.

Mas mainam daw na laging magmonitor ng lagay ng panahon, sakali daw kasi na wala ng signal ng bagyo kaagad na daw na magkakaroon ng biyahe ng mga barko sa Port of Lucena.

Samantala simula pa kaninang madaling araw hindi nagpapasok ng mga rolling cargo at mga pasahero sa loob ng Port marami ngayon ang stranded na pansamantalang magpapalipas ng magdamag sa kanilang mga sasakyan at sa covered court ng Barangay Dalahican ang barangay na nakakasakop sa entrada ng pantalan.

Pin It on Pinterest