News

Mga Businesses Nagbukas na Dahil sa Ibinabang Alert Level 2 ng IATF sa Lungsod ng Lucena

Nagbukas na ang karamihan sa business establishment sa Lungsod ng Lucena dahil ibinaba sa Alert Level 2 ang estado ng lungsod. Ito ang pahayag ni Lucena City Business permit and licensing office OIC, Arween Flores sa programang Usapang tapat ni Manong Nick.

 “Meron pong mga dahan dahan nagbubukas pero yung karamihan po ay sadyang ngayon lang Alert Level 2 sila nagbukas,” ayon kay Flores.

Ayon kay Flores na pinapayagan na ang mga negosyong nasa open area habang ang business na may closed, crowded, close-contact establishment ay mayroon namang guidelines mula sa IATF na ipinapatupad. 

 “Almost all po ng business na outside o sinasabing nasa open ay almost pinapayagan nap o pero yung mga sinasabi pong concern ng IATF which is 3 C’s ito po yung mga closed, crowded at saka close contact establishment ay meron pa poi tong pinatutupad na mga guidelines” sinabi ni Flores.

Dagdag pa ng OIC ng Lucena City Business permit and licensing office na nagpapasalamat siya sa business sector dahil sa kooperasyon nito at pagsunod sa IATF.

Ayon pa ka Flores na simula ngayong November ay pupunta sila sa mga business establishment upang magbigay ng application form para sa renewal ng business permit.

Pin It on Pinterest