Mga guro ng Lalawigan ng Quezon dumalo sa Quezon Educators’ Research Convention
Bilang pagkilala sa kadakilaan at dedikasyon na patuloy na ibinibigay ng mga guro ng lalawigan ng Quezon, isinagawa kahapon ika-22 ng Agosto ang Quezon Educators’ Research Convention sa Quezon Convention Center. Dinaluhan ito ni Gov. David Suarez, Vice Gov. Sam Nantes, mga kawani mula sa sektor ng edukasyon, mga bokal at Dr. Allan De Guzman mula sa Unibersidad ng Sto. Tomas na siyang panauhing tagapag-salita. Mahigit 8,000 guro mula sa ika-2 at ika-4 na distrito ang dumalo at binigyang-papugay ng pamahalaang panlalawigan ang mga ito.
Ayon kay Gov. Suarez sa pamamagitan ng din ng programa ng pamahalaang Q1K na magsisilbing pundasyon ng mga kabataan at ang magandang pagtuturo ng mga guro sa lalawigan ng Quezon ay hindi imposible ang pagkakaroon ng magandang buhay ng mga kasunod na henerasyon ng Quezonians. Muling nagpasalamat si Suarez sa mga gurong nagbibigay ng kanilang mga oras at talento upang matuto ang mga kabataan ng lalawigan.