News

Mga hanapbuhay sa Araw ng mga Patay, mahina pa ang kita

Limang taon nang nagle-lettering ng lapida at naglilinis ng puntod si Jerry sa Lucena Memorial Park.

Ayon sa kanya, mahina pa raw ang kita ngayong umaga dahil sa kakaunti pa ang nabisitang tao sa naturang sementeryo.

Pero inaasahan naman niya na pagsapit ng hapon ay kikita na siya kahit papaano. Ang singil daw niya sa pagle-lettering ng lapida ay P100 habang ang linis naman sa puntod ay P350.

“Kakaunti pa ang dalaw, baka mamayang hapon pa malakas dadagsain mamayang hapon ito eh,” pahayag ni Jerry.

Ganito rin ang hanapbuhay ni Aldrin na medyo sapat ang kaniyang kita ngayong araw dahil maganda ang panahon.

Mas okay daw ang kanilang kita kapag hindi maulan.

“Ayos lang ho sapat lang ho ang kita hindi ho katulad nung nakaraang araw ay talagang maulan wala hong kakita-kita,” ayon kay Aldrin.

Sana raw sa mga susunod na araw ay mas lumakas pa ang kanilang kita sa paghahanapbuhay sa araw ng mga patay.

Pin It on Pinterest