Mga Investors Tiwala sa Kasalukuyang Administrasyon ng Lungsod ng Lucena
Positibo ang naging reaksyon ng mga investors mapa-lokal man o nasyonal sa isinasagawang recovery ng lungsod kaugnay sa pandemya.
Ito ang naging pahayag ni Arween Flores, OIC, Lucena City Business Permit and Licensing Office sa programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’.
Ayon kay Flores, dumadami ang mga nais magbukas ng negosyo, halimbawa nalang dito ay ang mga overseas filipino workers, estudyante at iba pa.
“Ina-analyze po na itong mga aplikanteng ito karamihan po yung mga na-displace nating mga workers at ibat ibang industriya sa negosyo, ito rin po yung mga umuuwi galing sa ibang bayan, mga overseas workers ano po so marami rin pong mga estudyante,” ayon kay Flores.
Dagdag pa ng OIC ng Lucena City Business Permit and Licensing Office na malaki ang tiwala ng mga investor sa kasalukuyang administrasyon dahil tuloy-tuloy daw ang mga nais mag-apply ng negosyo.
“Pero most likely ay sadyang nandoon po ang tiwala sa present administration natin ngayon dahil hindi po nagdedecline ang mga nag-aapply ng mga negosyo” ayon kay Flores.
Sinabi rin ni Flores na bukod sa ini-engganyo nila ang mga nais magnegosyo ay binibigyan din nila ang mga ito ng assistance extension tulad ng mga discount o ayuda. Aniya, ito ay upang mas mapanatili ang kanilang negosyo.