News

Mga Jiu-Jitsu Player sa Lucena City, nag-uwi ng mga medalya sa isang Southeast Asian Competition

Nagwagi ng mga medalya ang mga miyembro ng Kalilayan Jiu-Jitsu Club sa Lucena City laban sa mga taga Southeast Asian Jiu-jitsu competitors sa ginawang 2023 South East Asian Gi and No Gi Friendship Games na ginanap sa isang mall sa Makati City kamakialan.

Sa larangan ng sport na Jiu-jitsu, hindi magpapahuli ang Lucena City patunay ang mga medalyang nakamit sa nasabing kompetisyon ng mga Jiu-jitsu player ng Kalilayan Jiu-Jitsu.

Sa anim na pambato ng Kalilayan Jiu-jitsu Club sa naturang kompetisyon kontra sa ibang mga player na ang ilan ay mula pa sa ibang bansa sa South East Asia lahat sila nagkamit ng medalya

Nasungkit ng 11 yrs old na si Aleina Bella S. Salamillas ang Gold Medal para sa Kids 14 Under, Under 40 Kilos sabi nya ginawa lang daw nya ng kanyang buong makakaya at ibinuhos sa kumpetisyon ang matutunan sa training.

Silver Medal naman para sa Kids 14 Under, Under 40 Kilos ang napagwagian ng 13 years old na si Denicha Louise Untalan, disiplina raw sa training ang isa sa dahilan kung bakit niya nakasungkit ang medalya.

Bronze Medal ang nasungkit ng 9 yrs old na si Aliyah Jorgina Salamillas sa kompetisyon, ibinuhos lang daw nya ang lahat ng natutunan sa tatlong buwang pagsasanay.

Naiuwi ng 15-anyos na si Ian Exzekel Nicor ang Juvenile Bronze Medal para sa 15 yrs – 17 yrs Under 53.5 kg.

Bronze medal naman ang nakuha ng 16 years old na si Emmanuel Gabriel Martines para sa Juvenile under 53.5 kg.

Para sa Master 2 under 76 kg nasungkit ng 42 anyos na si Jose Ladian Jr, ang Bronze Medal.

Sabi ni RJ Salamillas ang head coach ng Kalilayan Jiu-jitsu Club hindi nila inaasahan na makakasungkit sila ng mga medalya, sumali daw sila sa kompetisyon upang mapalawak ang Jiu-jitsu skills ng kanilang mga manlalaro.

“Honestly po talaga hanggang ngayon hindi po kami makapanilwala na may makukuhang medalya yoong mga player natin dahil bago pa lang po kami”

Pero naging susi raw sa tagumpay ng kanilang mga player upang makapaguwi ng karangalan ay ang disiplina, ensayo at determinasyon, hindi raw basta-basta kasi ang mga kalahok at mga naging katunggali na ang iba ay mula pa sa mga bansa sa South East Asia.

‘’May mga nakita kami roon mga taga Australian, mga taga Sout East Asina Countries nandoon din to Compit, may mga higher belts silang nakalaban, lahat ng mga belts lahat yan may mga stripes, so sila ay halos one stripe lang dahil nga 3 months palang sila nagtitraining first time to compit sila, bilib ako sa tamang nila sa determination, ipinakita nila best nila sa abot ng makakaya”

Ang Brazilian Jiu-jitsu ay Isang self-defense martial art, ito ay isang combat sport, focus sa grappling and submission.

Isang combat sport na hindi raw kailangang umatake kasabay ng pagdepensa sa sarili laban sa opponent na nais ng Kalilayan Jui-jitsu na nakabase sa Lucena City na mas makilala pa sa lalawigan ng Quezon.

Pin It on Pinterest