News

Mga kabataan dapat pangunahan ang laban sa korapsyon –Kon. Sunshine Abcede

Dapat na pangunahan ng mga kabataan ang paglaban sa korapsyon sa pamahalaan. Ito ang sinabi ni Kon. Sunshine Abcede sa eksklusibong panayam ng Bandilyo TV. Ang dahilan ayon kay Kon. Abcede ay dahil ang mga kabataang ding ito aniya ang malaki ang nawawala kapag ang umiiral na gobyerno ay corrupt. Kapag anya ganito ang pangyayari ay kakaunti ang magiging investor ng isang lugar at ang magiging epekto nito ay kawalan o kakaunti din ang oportunidad para kumita ang mamamayan. Oportunidad na dapat sana ay mga kabataan ang makikinabang.

May kaugnayan sa nalalapit na Barangay at SK Election ang naging reaksyon ni Kon. Sunshine Abcede. Ayon sa ilang mambabatas ay maagang natututong maging kurap ang mga ito dahil sa sistemang pinaiiral ng ilang tiwaling opisyal sa barangay level pa lamang. Bagamat wala pang kasiguruhan kung matutuloy o hindi ang halalang pambarangay, marami ang nagsasabing dapat itong ituloy upang makapamili ang taumbayan ng kanilang magiging lider.

Pin It on Pinterest