Mga Kabataan, Magandang Maging Interesado sa Paghahalaman – Manong Nick Pedro
Magandang maging interes ng mga kabataan ang farming, ito ang naging pahayag ni Konsehal Nicanor ‘Manong Nick’ Pedro Jr. nang makapanayam ang isang guro na backyard farmer din sa programang Usapang Tapat ni Manong Nick.
Aniya, sanay at madaling matuto ang kabataan ngayon sa teknolohiya na mahalaga naman sa mga naghahalaman.
“Meron akong nabasang artikulo na kailangan ng mga farmers natin lalong lalo na yung talagang hanapbuhay nila, kailangan ‘yung technology na makabago para ‘yung kanilang maliit na trabaho ay higit pang mapaunlad,” ani Konsehal Manong Nick.
Isang halimbawa aniya nito ang pagbebenta online ng mga produkto na kung saan mas mataas ang presyo.
Dagdag pa ng konsehal na sana ay mga grupo ng kabataan na magtuturo ng mga teknolohiyang ito sa mga nakatatandang magsasaka upang magamit at mapaunlad ng mga ito ang kanilang hanapbuhay.