Mga Lucenahin, sasalubungin ang Bagong Taon ng may pag-asa
Sinabi ni Nanay Mina na isang Lucenahin na sasalubungin daw niya ang taong 2022 ng may pag-asa.
“Of course syempre kailangan bumawi tayo, bumangon tayo sa buhay dahil depende sa Pangulo dahil magsikap tayo diba?”.
Ganito rin ang saloobin ng ilan pang Lucenahin dahil sa kinakaharap pa ring krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
“Aba’y oo naman kasi galing tayo sa pandemya kaya dapat ay maging positibo at lalabanan natin ang COVID,” pahayag ni Estelita
“Oo naman kasi galing tayo sa pandemic edi tayo naman ay pumunta sa bagong buhay, bagong pag-asa at sa masaganang taon. Oo naman syempre dapat palaging positibo at palaging tumawag sa taas para ligtas tayo anumang dumating na sakit,” dagdag pa nito.
Base sa survey na inilabas ng Social Weather Stations o SWS, 93% ng mga pilipino ang sasalubungin ang taong 2022 ng may pag-asa. Mas mataas ito sa naitalang 91% noong taong 2020 ngunit nananatiling mababa kumpara sa 96% na naitala noong 2019 kung saan wala pang banta ng COVID-19. Lumalabas din sa SWS survey na 7% ng mga pilipino ang nagsasabing sasalubungin nila ang bagong taon ng may takot.
Kapareho rin ito sa naitalang datos noong taong 2020.
Isinagawa ng SWS ang survey noong Disyembre 12 hanggang 16 kung saan kinapanayam ang 1,440 adult filipinos mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.