News

Mga mag-aaral sa Mulanay, nagtagisan ng talino na bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan

Isang Quiz Bee Competition ang isinagawa sa bayan ng Mulanay, Quezon bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan.

Ginanap ito sa Senior Citizen Bldg., Brgy. Poblacion 4 ng naturang bayan ang nasabing kompetisyon.

Nilahukan ito ng mga paaralan ng Ajos National High School, Bondoc Peninsula Agricultural High School, Bagupaye National High School, Magsaysay National High School, Ilayang Yuni Junior/Senior Integrated National High School at St. Peter Catholic School of Mulanay.

Naging parte sa mga tanong ng kompetisyon ang Executive Order 002 ni Mayor Aris Aguirre – ang Smile Policy.

Nagpapasalamat naman ang PPSK Mulanay kina Sir Kim John Pontud at Dr. Michael Babao na nagsilbing quiz masters ng naganap na tagisan ng talino.

Pin It on Pinterest