News

Mga maliliit na mamumuhunan sinamantala ang pagkakataon na kumita sa sementeryo

Kahit paano raw kumita-kita ngayon ang ilang maliliit na negosyante, nakabawi kahit paano sa ilang araw na hindi pagtitinda dahil sa pananalasa ng bagyo.

Ngayong araw ng mga patay sa sementoryo tila buhay naman ang kanilang negosyo, sinamantala ang magandang panahon at dami ng tao sa Lucena City Public Cemetery sa Barangay Market View.

Maganda rin daw ang bentahan sa loob ng sementeryo ngayong Undas ng ilang ambulant vendor gaya ng ilang nagtitinda ng mga fishball, kwek-kwek at iba pa. Kahit paano, buhay ang kanilang maliit na negosyo sa himlayan ng mga patay, wala raw patid ang mga parokyano.

Ang ilang residenteng malapit sa sementeryo, sinamantala rin ang araw ng mga patay para naman mabuhay sa extrang kita sa pamamagitan ng pagbebenta ng bulaklak at kandila sa loob. Bagama’t matumal pa sa ngayon pero bumibenta naman na raw sila buhat pa ng umaga, umaasa na mauubos ang kanilang paninda bago magdilim.

Samantala, maraming grupo ngayong pagdiriwang ng Araw ng Patay ay binuhay ang boluntarismo. Maraming civic organization ang katuwang ng kapulisan at mga awtoridad sa pagma-manage ng trapiko at kaayusan ng iba’t ibang sementeryo sa Lucena City.

Ang isang fraternity group, nagbigay ng mainit na sopas sa mga dumadalaw sa pampublikong sementeryo sa Barangay Market View.

Pin It on Pinterest