Mga mamimili, dagsa na sa Lucena City Public Market ngayong Bisperas ng Pasko
Siksikan at halos hindi mahulugang karayom ang dami ng mga mamamili ngayon sa Lucena City Public Market.
Umaga palang ng bisperas ng Pasko dagsa na ang mga tao sa pamilihan, halos lahat ng section sa palengke puno ng mga mamimili, alerto naman ang mga tauhan ng pamilihan upang masiguro ang siguridad ng mga nasa palingke. Pakiusap lang ng pamunuan na magdoble ingat sa mga kawatan ang mga mamilili at mga maninindhan.
Ang meat section ng pamilihan ang pinakadinumog, marami ang namimili ng karne.
Bukod sa mga karneng baboy at manok, ang giniling na karne ang isa mga fast moving na produkto na mabibili sa halagang 320 pesos ang kada kilo, pangunahing sangkap ito sa spaghetti at sa lumpiang shanghai na madalas na ihanda sa okasyong ito.
Ang presyo ngayon ng karneng baboy ay nanatili sa 320 pesos ang kada kilo, 220 naman sa presyo ng kada kilo ng karneng manok.
Samantala, ayon sa ilang fruit vendor may paggalaw na raw sa presyo ngayon ng mga prutas nagsimula na raw na tumaas ang presyo.
Hindi lang mamimili ang marami ngayon sa pamilihan, maging ang mga maninindahan ng iba’t bang produkto maging sa labas ng palengke may mga nagbebenta, isa sa mga tinatangkilik ay ang kinayod na buko, nagsimula na raw na maging mabenta ito para naman sa bukod salad.
Sa dami ng tao, ang mga sasakyan sa harap ng pamilihan ay halos hindi na umusad, kaninang umaga may pagsikip na ng daloy ng trapiko.