News

Mga minahan sa Buenavista, Quezon ininspeksiyon

Binisita kamakailan ng mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources Office ang mga minahan sa bayan ng Buenavista, Quezon.

Ito ay upang masiguro kung sumusunod ang mga ito sa batas partikular ang Small-scale Mining Act of 1991 na nagmula sa DENR Administrative Order No. 2022-23.

Nakipag-dayalogo ang kawani ng ahensiya sa mga manggagawa at mga negosyanteng nasa industriya ng pagmimina at pinuntahan ang mga mining sites.

Ipinaalala din ng DENR na tungkuling pa rin ng mga nagmimina na mapangalagaan ang kalikasan upang mapahintulutan ang kanilang operasyon.

Samantala, matatandaan noong nakaraang taon, pinabusisi din ng pamahalaang panlalawigan ang mga minahan hindi lang sa Buenavista, maging sa iba pang bayan sa lalawigan upang siguraduhing nakakapagbayad nang tama ang mga ito at nakakasunod sa mga regulasyon.

Ito ay upang makapagdagdag umano sa pondo ng pamahalaan at upang hindi ma-compromise ang kalusugan at kaligtasan ng mga residente.

Pin It on Pinterest