News

Mga nagwagi sa Tahanang Papag at Bilao ng Pagbilao, Quezon ipinakilala na

Mula sa mahigit tatlumpung sumali ay may napili nang tatlong nanalo bilang 1st, 2nd at 3rd prize sa isinagawa ng bayan ng Pagbilao, Quezon na patimpalak para sa kanilang fiesta at ngayong panahon ng kapaskuhan. Opisyal na nagsimula ang pagdiriwang ng Pagbilao Town Fiesta 2017 noong Nobyembre 16 sa pagbubukas ng Tahanang Papag at Bilao 2017. Ang mga tahanan sa Zamora, Pornobi at Gen. Luna Streets sa Brgy. Sta. Catalina ay dinisenyuhan ng agricultural materials at makukulay na ilaw. Ngayong taon, tatlumpu’t siyam (39) na mga bahay ang nagpaligsahan para sa titulo bilang natatanging Tahanang Papag at Bilao.

Sina G. Jess Hermoso, Tourism Officer ng Bayan ng Agdangan, Quezon; G. Hector Audine, advertising consultant mula sa Lungsod ng Sta. Rosa, Laguna; at G. Noelito Cabrera, Jr., Tourism Officer ng Bayan ng Dolores, Quezon naman ang nagsilbing judges at lumibot sa mga naggagandahang tahanan noong Nobyembre 16, 18 at 20. Nagwaging Tahanang Papag at Bilao ay inanunsyo at pinarangalan noong Nobyembre 24. Ang Tahanang Papag at Bilao ng Pamilya Catalla ang nakasungkit ng unang pwesto kalakip ang cash prize na P30,000. Wagi bilang ikalawa ang Tahanang Papag at Bilao ng Pamilya Marino na nagkamit ng cash prize na P25,000. Ang Pamilya Reyes-Maling naman ang nag-uwi ng ikatlong pwesto at P20,000 cash prize.

Pin It on Pinterest