News

Mga nakiisa sa clean up drive sa Gumaca, nakatanggap ng food packs

Maliban na nakatulong na malinis ang mga baybayin ng Gumaca, Quezon, nakatanggap din ng ayuda ang ilan sa mga residente sa bayan na nakiisa sa isinagawang coastal clean-up drive.

Sa ikinasang food-for-work program ng lokal na pamahalaan ng Gumaca, umabot sa higit 400 benepisyaro mula sa mga coastal barangay ang nakatanggap ng food packs bilang pasasalamat ng LGU sa pakikibahagi sa paglilinis ng kapaligiran.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mga food packs na ito ay mula sa Department of Social Welfare Development (DSWD) bilang kahandaan bago dumating ang bagyo, at tuwing anim na buwan maaaring itong ipamahagi na sa mga residente kung walang bagyong nagdaan.

Nakiisa sa aktibidad ang mga kawani mula sa MSWDO, miyembro ng Sangguniang Bayan, opisyal ng barangay at KALASAG-SPHERE na tumiyak sa kaayusan sa daloy ng programa.

Nagpaalala naman ang lokal na pamahalaan sa mga residente na panatilihin ang disiplina sa sarili at paglilinis sa kapaligiran.