Mga opisyal ng Brgy. 3 Lucena City, nag-ulat sa mga residente para sa kanilang Assembly Day
Nag-ulat ng mga nagawang programa at mga proyekto ang mga opisyal ng Barangay 3 sa Lucena City para sa kanilang 1st Semester Barangay assembly ngayong taon.
Sa harap ng mga residenteng dumalo, iniulat ng mga Barangay Official ang kanilang mga ginagawa sa bawat komitibang hinahawakan.
Isa-isa silang humarap at nagsulit ng kani-kanilang mga nagawang accomplishment sa kanilang komunidad na may kaugnayan sa kanilang committee.
Ibindida naman ni Kapitana Tessie Lacorte ang mga nagawana na niyang programa at proyekto buhat noong siya ay manungkulan bilang ina ng kanilang barangay gaya ng mga pagawaing imprastraktura, tulad ng kanal, pagpapailaw at iba pa, ganoon din ang mga social services sa kanilang lugar.
Bumaba man ngayon ng nasa isang milyong piso ang kanilang pondo, sabi ni Kapitan Lacorte na patuloy pa rin ang mga programa at proyekto sa kanilang komunidad.
Bukod sa pag-uulat, ibinandilyo din ang mga nakalinya nilang programa sa barangay.
Ang 1st Semester Barangay Assembly Day ngayon taon ay may temang “B-BIDA KA! Barangay BIDA Ka sa Pagpapatupad ng Kapayapaan, Pangangalaga ng Kalikasan at Pagpapaigting ng Pagkakaisa Tungo sa Isang Ligtas, Mapayapa, Maunlad, at Masaganang Pamayanan”.
Dumalo dito ang chief of police ng Lucena City, Lucena DILG at ipinaliwanag ang mga ibinababang program ng nasyunal na pamahalaan gaya ng ‘Buhay ay Ingatan Droga ay Ayawan’ o BIDA ka Program.
Isinagawa ang aktibidad alas 2:00 ng hapon March 18, 2023 kasabay ng iba pang barangay sa Lucena City.