News

Mga opisyal ng Lungsod ng Lucena, HUDCC at UPAD nagpulong para sa dapat gawin laban sa professional squatters at squatter syndicates

Sa isinagawang pagpupulong ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDC), Urban Poor Affairs Division ng Lungsod ng Lucena, mga kapitan ng barangay at iba pang opisyal at opisina ng pamahalaan tungkol sa pagtigil o pagsugpo ng mga squatters at mga sindikato nito at naging maganda ang resulta ng pag-uusap. Ayon kay UPAD o Urban Poor Affairs Division Chief Lerma Fajarda ay ikinatuwa ng mga kapitan ang pagsasagawa ng pagpupulong. Nakatanggap aniya ng magandang inputs o kaalaman ang mga kapitan ng barangay ukol sa mga dapat at tamang gawin sakaling may mga professional squatters sa kanilang nasasakupan.

Ang pagpupulong ay ang kauna-unahang Local Committee Against Squatting Syndicates and Professional Squatters sa Lungsod ng Lucena. Isinagawa ito upang bigyan ng sapat na kaalaman ang mga kawani ng pamahalaan at mga opisyal ng barangay sa mga tamang hakbang upang maisaayos ang anumang problema na may kaugnayan sa mga squatters o Professional Squatters.

Ang pagbuo ng komite ay bilang pakikiisa sa adhikain ng pamahalaang nasyunal na wakasan ang gawain ng mga Professional Squatters at mga sindikato nito sa buong bansa.

Pin It on Pinterest