Mga ordinansa ng tatlong bayan sa Lalawigan ng Quezon pag-uusapan na sa Sangguniang Panlalawigan
Tatlong ordinasa mula sa bayan ng Patnanungan, Infanta at Mauban ang idinulog sa Komitiba ng Trasportasyon ng Sangguniang Panglalawigan ng Quezon ng magsawang ng committee hearing ang mga ito. Ang tatlong ordinasa na hiniling na maipasa sa Sangguniang Panglalawigan ay ang pagdaragdag ng prangkisa ng traysikel sa Patnanungan; pagbibigay ng health cards sa mga tricycle drivers sa Infanta at pagpapataas ng multa sa mga traffic violators sa Mauban.
Ayon kay Konsehal Aida Daet ng Patnanungan, kapag nabuksan na ang Patnanungan-Polillo road na ginagawa na sa kasalukuyan ay lalong uunlad ang kanilang bayan kaya nagpasa sila ng ordinansa na magdagdagan ang prangkisa ng mga tricycle. Hiniling naman ni Konsehal Rolando Avellano ng bayan ng Infanta ang pagkakaroon ng health cards ng mga tricycle drivers upang masigurong malusog ang pangangatawan ng mga ito sa kanilang pang-araw-araw na pamamasada. Ayon naman kay Konsehal Alex Manrique ng Mauban ay babaguhin na nila ang multa sa mga traffic violators na magiging P1,000, P1,500 at P2,500 sa una, pangalawa at pangatlong paglabag sa batas ang ipapataw na multa.
Ang tatlong ordinansa na idinulog sa komitiba ay agad na inaprubahan upang ipasa sa Sangguniang Panglalawigan at maging ganap na ordinansa.