Mga pagala-galang aso sa Lucena City, nais tuldukan para makaiwas sa rabies
Sumailalim na sa pagdinig o committee hearing ng komitiba ng health sa Sangguniang Panlungsod ng Lucena ngayong araw ng Miyerkules ang panukalang ordinansa na may titulong “An Ordinance Amending the Lucena City Pound Ordinance and Providing Implementing Guidelines Thereof”.
Ang pagdinig sa naturang panukalang ordinansa ay pinangunahan ni Konsehal Ayan Alcala.
“Ngayon pong araw ng Miyerkules ay nagpatawag ng isang committee hearing para ho pag-usapan ang tungkol sa isang ordinansa na naglalayon na ang atin pong mga stray dogs o yung mga pagala-gala po nating mga aso ay atin pong makontrol.”
Sinabi ni Konsehal Alcala nais ni Mayor Mark Alcala na magkaroon ang lungsod ng mas malawak na pasilidad para sa pagala-galang aso sa kabila ng ginagawang regular na panghuhuli ng mga tauhan ng City Veterinary Office sa mga asong maaaring makakagat o maging dahilan ng aksidente.
“Actually, ho meron naman na ho talagang ordinansa na magkaroon ng City Pound ang Lungsod ng Lucena sa kagalingan lang po ng ating City Mayor Mark Alcala nais po niyang magkaroon ng mas malaki, mas malawak na dog pound o animal pound sa Lungsod ng Lucena. Ayon sa aming pagpupulong kanina dito sa committee hearing na mula po sa Brgy. 10 ay maililpat po sa Mayao Crossing, so yung proposed po ng atin pong Mayor Kuya Mark Alcala na mailagay po ito sa mas malawak na lugar, mas magandang pasilidad po yung ating animal pound.”
Ang pangunahing layunin daw nito ay makontrol ang mga pagala-galang aso at mabawasan ang bilang ng mga taong nakakagat nito.
“Once ito pong mga ordinance na ito ay maaprubahan makikita po natin kasi ang City Health Office sa pangunguna ni Dra. Jocelyn Chua umattend po siya kanina ay doon po sa atin pong ABTC Coordinator kay si JB siya po ang namamahala ng pagtuturok po natin doon sa ating mga kababayan, napag-usapan natin kanina siya po ang nagre-range ng 50-60 na katao araw araw.”
Nagpaalala ang konsehal sa publiko na maging responsible sa pag-aalaga ng mga hayop at dapat may alam din sa mga kaukulang batas at ordinansa ang mga ito na kailangang sundin.