News

Mga Palayang Kulang sa patubig Maaaring mag-Request sa NIA

Pwedeng mag-request sa NIA o National Irregation Administration ng tubig para sa mga palayang kulang ang supply ng tubig.
Ito ang ang pahayag ni Senior Engineer A, Engr. Elena S. Villena sa programang Usapang Tapat ni Manong Nick, “pwede naman po na magrequest sa NIA basta po yung mga ganitong for irrigation purposes” Ayon pa kay Engr. Villena, dumadaan sa validation ang request sa kanilang tanggapan ng mga farmer beneficiaries, “pinupuntahan nga po namin yung bina-validate at tinitingnan.”

Dagdag pa ng senior engineer na kung talagang makita nilang walang ilog na mapagkukunan ng tubig, agad naman daw nilang inererekomenda ang ground water. Magsasagawa dito ng pag-aaral ang kanilang geologist upang makita kung may possible bang tubig na makukuha sa ilalim ng lupa.

Pin It on Pinterest