Mga Pasahero sa Port of Lucena, Dagsa na
Nagsimula ng dumagsa ngayon sa Port of Lucena ang mga biyaherong tatawid patungong Marinduque, Romblon at Masbate.
Madaling araw ng Dec. 23, ilang araw bago ang pasko ng simulang magadatingan at dumami ang mga pasahero sa pantalan marami sa kanila ang matiyagang nag-aantay upang makasakay ng barko gaya ni Mamang Judy Rivero kasama ang kanyang mga anak patungong Romblon upang magbakasyon, umaga palang nasa pantalan na sila galing sa Metro Manila.
‘’Kanina pa ako las otso, medyo mahirap pero natural lang medyo marami na e, medyo matagal ang biyahe pero ok lang yoon”, ayon kay Mamang Judy.
Ang ilang pamilya maagang nakapasok sa Terminal Building pero tanghali na hindi parin nakakasakay ng barko at matyagang nag-aantay ng biyahe pero inaasahan na daw nila ng magiging sitwasyon sa pantalan.
‘’Sabi nila Sir aalis daw ang barko is alas-4:00, ok lang Sir expected na rin ang ganitong panahon tiyaga lang para maka-uwi sa probinsya”
Mag-aalas dose ng tanghali, puno na ng mga pasaherong nag-aantay ng biyahe ng barko ang buong Terminal Building ng Port of Lucena habang patuloy parin ang pagdating ng mga nais tumawid.
Ang ilan namag pasahero na nag-aantay ng pag-alis kanya kayang diskarte upang makapagpahinga.
Puno na rin ang mga cargo vessel at private car ang marshalling area ng pantalan. Kaya naman ang iba pang may mga dalang sasakyan na papasok, hindi na muna pansamantalang pinapasok, naka standby sa labas ng gate, habang hindi pa nakakasakay ng barko ang mga naunang pumasok.
Samantala naka high alert status ang port police, kasama ang iba pang ahensya. May nakatala na help desk ang Philippine Coastguard, at Maritime Police, may naka standby rin na truck ng bombero, may nagroroving din na mga tauhan ng AFP.
Ang mga bagahe ng pasahero, mano-manong sinusuri bago pumasok ng terminal building, ang mga makikitang ipinagbabawal na isakay sa barko, kinukumpiska, gaya ng mga butane at lighter o yung mga flammable material.
Pasado alas dose ng hapon tuloy-tuloy ang pagdating ng bus galing Manila sakay ang mga pasaherong sasakay ng barko.
Ayon sa pamunuan ng pantalan, ang volume ng mga pasahero ay posible pang dumami mamayang gabi hanggang bukas bisperas ng Pasko.