News

Mga Proseso sa Pag-aasikaso ng Nakalibing sa Lucena City Old Public Cemetery, Alamin

Sa harapan lamang ng Lucena City Old Public Cemetery magpapalista para sa labi ng mga kaanak na nakalibing sa nasabing sementeryo.

Ito ang pahayag ng OIC ng Office of the City Planning and Development Coordinator, Julieta Aparicio sa programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’.

“Wala pong iba dun lang sa harapan ng ating Old Public Cemetery dun lang sila pupunta, hindi po sa City Hall,” ayon kay Aparicio.

Dagdag pa ni Aparicio na may form silang ibibigay para sa kaanak na gustong ilipat sa ibang sementeryo, bukod sa death certificate o pagkakakilanlan ng kaanak. Kailangan din daw kumuha ng exhumation permit o permiso para kunin ang buto na aasikasuhin sa Mayor’s Office.

“Kukuha po sila ng exhumation permit, yung permiso para kunin yung buto at yun po ay kanilang dadalhin sa City Hall dito po sa ating bagong City Hall para asikasuhin po yung permit,” sinabi ni Aparicio.

Ayon pa sa OIC ng Office of the City Planning and Development Coordinator na sa Mayor’s Office na didiretso para malaman kung saan pupunta, ano ang babayaran at kung kailan pwedeng kunin dahil kailangan pa daw ng permiso mula sa City Health para sa sanitation.

Sinabi din ni Aparicio na libre o walang bayad ang pagpapahukay sa mga labi at tanging sepultorero lamang ng public cemetery ang maaring maghukay dahil ito lamang ang may supervision ng Health Office.

Pin It on Pinterest