News

Mga proyekto at programa ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ibinandilyo ni Prov. Admin. Rommel Edaño

Ibinandilyo ni Provincial Administrator Romulo Edaño Jr. nitong nakaraang Lunes ang ilan sa mga nakatakdang programa at proyekto na isasagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon. Isa na rito ay ang patuloy na pagpapaigting sa isa sa mga pangunahing produkto ng lalawigan na niyog. Ayon kay Edaño, ang konsepto ng pagsasagawa ng Coconut Industry Research and Development Center na nakatakdang itayo sa Bondoc Peninsula ay unti-unti nang binubuo sa pagtutulungan ng Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Department of Science and Technology at iba’t-iba pang mga ahensya.

Ang ganito anyang uri ng proyekto ay maituturing na isa sa mga legacy project sa ilalim ng administrasyon ni Gov. David Suarez. Inaasahang isa ito sa malalaking proyekto na nakalaan para sa ikauunlad ng mga magniniyog sa lalawigan ng Quezon. Naniniwala si Gob. Suarez ayon sa provincial administrator na sa pamamagitan ng mga ganitong uri ng programa ay mas maipadarama pa ng pamahalaang panlalawigan sa mga kababayang magsasaka ang pagmamalasakit at pakikiisa nito tungo sa kanilang patuloy na pag-unlad.

Pin It on Pinterest