Mga punong itinatanim ng DENR kailangan ay endemic sa lugar
Hindi basta basta pwedeng mag-tanim ng kahit anong klaseng puno sa mga kabundukan lalo na kung ito ay idineklarang protected landscape ng pamahalaan, partikular ng Department of Environment and Natural Resources. Ito ang sinabi ni CENRO Pagbilao Officer Ramil Gutierrez sa eksklusibong panayam ng 99.7FM at ng Bandilyo TV. Sinabi ni Gutierrez na kailangang ang mga endemic species o klase at lahi ng punong sadyang nasa lugar lamang ang kailangang itanim upang hindi ito makaapekto sa iba pang halaman, puno o hayop sa kapaligiran. Suportado anya ito ng mga pag-aaral at nakitang hindi talaga dapat inihahalo sa mga endemic specie o uri ng mga puno ang mga dayuhang lahi ng halaman o puno upang hindi magkaroon ng disruption sa kapaligiran.
Sa bundok ng Banahaw ayon pa kay Gutierrez ay hindi pinapayagan ang pagtatanim ng mga punong hindi endemic sa lugar upang hindi makaapekto sa kapaligiran. Pero nilinaw naman ng CENRO Officer na sa mga pribadong lote ay maaaring magtanim ng mga puno kahit hindi endemic sa kanilang lugar dahil ang lupa naman ay kanilang pag-aari.