Mga senior citizens ng Pagbilao kinilala ng pamahalaang lokal
Nagtipon-tipon ang mga Senior Citizens sa bayan ng Pagbilao sa lalawigan ng Quezon upang bigyang pagkilala ng pamahalaang lokal. Isineselebra ng lokal na pamahalaan ang 2017 Elderly Filipino Week. Sa programa ay kinilala ng pamahalaang lokal ang ambag ng bawat senior citizen sa paghubog ng bawat mamamayan at sa pag-unlad ng bayan ng Pagbilao. Ilan sa mga programa na ginawa sa bayan ay ang Computer Literacy training para sa mga nakatatandang mamamayan ng bayan. Isinagawa naman ito sa Computer Laboratory ng Sentrong Pangkabuhayan Building bayan pa rin ng Pagbilao.
Nakiisa sa taunang pagdiriwang sina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, Provincial Social Welfare and Development Officer Sonia Leyson, Coun. Jeffrey Tiñana, Coun. Lolito Merle, Municipal Social Welfare and Development Officer Emerita Madla, Executive Secretary Venus Portes at Office for Senior Citizens Affairs Chairperson Primitiva Memorando. Ang Elderly Filipino Week celebration ngayong taon ay may temang, “Pagkilala sa Kakayahan, Ambag at Paglahok ng mga Nakatatanda sa Lipunan.”