Mga sinalanta ng Bagyong Karding, balik eskwela na kahit may problema sa silid aralan
Tatlong linggo matapos ang paghagupit ng super typhoon Karding, balik-eskwela na nitong Lunes ang mga estudyanteng naapektuhan ng bagyo sa Burdeos, Quezon.
Sa Carlagan Integrated School, pansamantalang isinasagawa ang klase sa mga make shift tent, pasilyo ng mga hindi naapektuhang building at maging sa kanilang chapel.
Ito ay matapos wasakin ng Bagyong Karding ang maraming pasilidad ng kanilang paaralan maging ang kanilang multi-purpose covered court.
Matatagpuan ang paaraalan sa Barangay Carlagan na isa sa mga pinakaunang barangay na nakaramdam ng hagupit ng bagyo matapos mag-land fall ito sa bayan ng Burdeos.
Patuloy na nananawagan ngayon ang mga guro, estudyante at mga opisyal ng barangay sa kinauukulan upang mga matulungan ang mga estudyante na magkaroon ng maayos at komportableng silid-aralan.