Mga solo parent sa Brgy. Bocohan, sumailalim sa livelihood training program
Upang kahit paano’y matulungan ang mga solo parents ng Barangay Bocohan sa Lucena City na mabigyan ng mapagkakakitaan, isang livelihood training kamakailan ang inorganisya dito kung saan sumailalim sa pagsasanay ang higit animnapung mga solo parent sa paggawa ng dishwashing liquid.
Sa tulong ng City Agriculture Office ng Lucena City at ng mga social workers ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena, pinangunahan ni Kapitan Romulo Lagar at ilang opisyal ng barangay ang programa na mahalaga raw na matutunan ng solo parents ng kanilang komundidad nang sa ganoon ay magkaroon ang mga ito ang karagdaang pagkakakitaan.
“Napakahalaga nito, unang-unang dagdag pagkakakitaan ng mga solo parent sa atin,” ani Kap Romulo Lagar.
Kung paano ito gawin, ipinaliwag at ipinakita ang bawat proseso ng paggawa ng sabing produkto na maaari nilang ibenta sa mga residente ng kanilang barangay na ayon sa kapitan kahit na paano raw makakatulong kung ito ay matutunan na kahit sa bahay lamang ay maaring gawin.
“Kahit paano hindi na sila aasa sa gobyerno, ika nga baga ay ang kanilang kikitain ay pandadag sa kanilang mga pangangailangan.” Nakahanda raw na tumulong ang barangay sa mga ito bilang panimula para sa kanilang bagong livelihood program na natutunan. Bahagi raw ito ng pagsuporta ng barangay sa sektor ng mga solo parent ng lugar na makapagbigay ng dagdag kalaman upang kumita sa simpleng pamamaraan.