News

Mga Tandok o Albularyo sa Lalawigan ng Batangas sumailalim sa isang workshop

Binubuhusan ng alak ang sugat na sanhi ng kagat ng aso, bago ito sipsipin. Ito ay ayon sa isang tandok o albularyo mula Calatagan, Batangas. Ito anya ang kanyang ginagawa noon kapag may pumupunta sa kanya na nakagat ng aso upang magpagamot.

Dahil sa mga nakagawiang ito, isang pagpupulong ng mga tandok na pinangunahan ng Provincial Health Office (PHO) upang kumbinsihin ang mga ito upang mabago at maitama ang paggagamit kaugnay ng programa ng pamahalaan sa Rabies Prevention and Control. Ginanap ang pulong sa isang hotel sa Lungsod ng Batangas.

35 mga tandok mula sa 11 bayan sa Batangas Province ang dumalo sa lecture at planning workshop. Kasama ng mga albularyo ang mga pangulo ng Barangay Health Workers sa kani-kanilang bayan. Upang maintindihan ng mga lokal na manggagamot, dumaan ang mga ito sa mga lecture at presentations tungkol sa Rabies at ang seryosong banta nito sa mga nakakagat ng aso, pusa, unggoy at iba pang hayop. Naging resource persons sina Oliver Villegas, mula Dept. of Health Region IVA; Dr. Lorelie Villarba mula sa Provincial Veterinary Office; Dr. Josephine Gutierrez ng PHO; at Daisy Dalisay ng PHO.

Napagkasunduan din na dadalhin agad sa pinakamalapit na animal bite centers ang mga nakagat ng aso na nagpagamot sa kanila upang mabigyan ng karampatang gamot.

Pin It on Pinterest