Mga Traffic Enforcer ng Tayabas City, sumailalim sa Training ng LTO
Sumailalim sa Orientation and Deputation Training Seminar Workshop for Deputized Traffic Regulation Officers na pinamahalaan ng mga kawani ng Land Transportation Office ang mga Traffic Enforcers ng Tayabas City upang maging tugma ang pamamaraan nila ng pagpapatupad ng batas trapiko.
Kabilang sa mga itinuro ang R.A. 4136 o Land Transportation and Traffic Code at iba pang mga kaugnay na batas, patakaran at regulasyon at mga special laws na ipinatutupad ng LTO, halimbawa sa traffic signs, signals and pavement markings, traffic management, traffic direction and control, road safety, courtesy and discipline for traffic regulation officers, rights of traffic regulation officers and drivers at good qualities of traffic regulation officers.
Itinuro rin ang mga panuntunan sa paggawa ng reports at pagsusumite ng mga nakumpiskang bagay at impounded na sasakyan.
Matapos ang pagsasanay ay dumaan sa written examination ang mga traffic enforcers upang masukat ang nakuha nilang kaalaman sa workshop, mga bagay na dapat alam umano ng mga tagapangasiwa ng trapiko sa kalsada.
Mula sa LTO Operations Division ang nagsanay sa mga ito, dumalo rin ang mga kapulisan ng Siyudad.