News

Milk Feeding Program laan sa mga kulang sa timbang sa Pagbilao, Quezon

Naghandog ng mga kahon ng gatas ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Ms. Emerita Madla sa pamamagitan ng Milk Feeding Program para sa 27 barangay na mayroong Child Development Centers sa bayan ng Pagbilao, Quezon.

Prayoridad ng programang ito ay iyong mga batang daycare learners na kulang sa timbang o kaya walang ganang kumain lalo na pagkakaumaga.

Ang mga ito ang pangunahing bibigyan ng gatas, na iinumin sa umaga at sa hapon bago lumabas ng paaralan.

Aminado sila na maraming mga bata ngayon ang may problema sa kalusugan dahil na rin sa dumaang pandemya na kun saan maraming nawalan ng trabaho kaya napabayaan ang tamang nutrisyon ng mga bata.

Personal na nagbigay ng mensahe ang Punong Bayan Ate Gigi Portes sa mga Municipal Links sa kahalahagan ng nutrisyon ng gatas sa mga bata.

Samantala, kasabay ring ginanap ang Orientation on RA 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act sa solo parents na makakatanggap ng mga benepisyo at pagpapaunlad ng kanilang buhay habang nagtataguyod ng mag-isa para sa kanilang pamilya.

Ang dalawang programang ito ay ginanap sa Senior Citizens Center, Brgy. Mapagong ng munisipalidad.

Pin It on Pinterest